Nagbuga ng 10,449 toneladang Sulfur dioxide ang Mt. Kanlaon sa loob ng 24-oras at nakapagtala rin ito ng 55 volcanic earthquakes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninang umaga, Linggo, Setyembre 22.
Ayon pa sa PHIVOLCS itinaas na ang alert level 2 sa Mt. Kanlaon kung saan apektado ang mga lugar sa probinsya ng Negros Occidental at Negros Oriental sa Negros Island.
Nagpaalala rin ang state seismic agency na posible sa anomang oras ang steam o phreatic explosions ng naturang bulkan.
Aabot naman sa 800-metro ang sulfuric plume na papunta sa hilagang direksyon.
Pinapayuhan naman ng PHIVOLCS ang publiko na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometro ng Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa panganib ng isang nalalapit at malaking pagsabog ng Mt. Kanlaon.