-- Advertisements --

Nakapagtala ng nasa 22 pagyanig ang mga eksperto mula sa aktibidad ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Phivolcs, patuloy na abnormalidad ito ng nasabing bulkan.

Kaya naman nananatili ito sa alert level 2.

Maliban dito, nakapag-monitor din ang Phivolcs ng Sulfur Dioxide Flux na umaabot sa 5,952 tonelada kada araw.

Mayroon ding steaming plume na nasa 50 metro ang taas, kasabay ng katamtaman at walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo.

Napadpad ito sa timog-kanluran ng nasabing bulkan.

May namataan ding ground deformation o pamamaga ng bulkan na indikasyon ng volcanic activities nito.