-- Advertisements --
Muling nakapag-record ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 45 pagyanig sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa ahensya, palatandaan ito ng patuloy na abnormalidad ng bulkan.
Maliban sa mga pagyanig, nairehistro rin ang 8,932 tonelada ng Sulfur Dioxide Flux (SO2).
Habang ang steam plume ay nasa 150 metro naman ang taas.
Ang pagsingaw na ito ay napadpad sa hilagang-silangan at silanganng lalawigan ng Batangas.
Namataan din ang ground deformation sa bahagi ng nasabing bulkan.