-- Advertisements --
Nagtaas ang Japan Meteorological Agency ng alert level 3 matapos ang pagsabog ng Otake volcano sa Suwanose Island ng Kagoshima Prefecture.
Naglabas ng mga bato mula sa crater ng nasabing bulkan.
Dahil sa alert level ay pinagbabawalan ang mga tao na lumapit sa naturang bulkan.
Umabot sa 2-km radius ang paglipad ng mga bato mula sa bulkan.
Ang Suwanose kasi ay isang volcanic island na mayroong populasyon na hindi bababa sa 100 katao na matatagpuan sa timog bahagi ng Kyushu Island ng Japan.