Napalutang na ang MTKR Jason Bradley na lumubog sa karagatan ng Bataan.
Ayon sa Philippine Coast Guard, iniulat ng kinontrata ng ahensiya na salvor na FES Challenger na 70% ng napalutang ang nasabing barko.
Matapos mapalutang ang barko, agad nagsagawa ang mga tauhan ng Bureau of Customs at National Bureau of Investigation ng oil sampling habang nakasampa sa naturang barko, sa pakikipagtulungan ng BRP Panglao.
Sa oras aniya na makumpleto na ang naturang hakbang, hahatakin ang barko patungo sa Diving Industry Shipyard sa Barangay Alas-Asin, Mariveles, Bataan.
Matatandaan na lumubog ang MTKR Jason Bradley na may lulang 5,500 na diesel sa katubigan ng Barangay Cabcaben, Mariveles Bataan noong Hulyo 26.
Samantala, sa MT Terranova naman na lumubog din sa katubigan ng Bataan, nasa 97% na ng langis mula sa barko ang narekober habang mahigit 37,000 naman ang nawala.
Una rito, matagumpay namang nahatak na at naidaong sa shipyard sa Bataan ang isa pang barkong sumadsad sa Bataan na MV Mirola 1.