Mabilis na umaksyon ang Hong Kong police upang hulihin ang mga anti-government protesters na nanggulo sa ilang train services ng lungsod ngayong araw.
Tatlong pulis na may suot na riot gears ang pumasok sa isang bagon sa Lai King station upang itulak palabas ng ang ilang raliyista at hulihin ang mga ito. Tinatayang nasa 40 riot police ang nagbabantay sa nasabing train station.
Kagila-gilalas umano ang pinakita ng mga ito sa kanilang mabilis na pagkilos kasunod ng natanggap nilang banta sa mula sa mga nag-aalsa na muli silang manggulo sa mga public transport sa pamamagitan ng pagharang sa mga tren, platform doors at maging ang pagpindot sa mga emergency buttons.
Na-delay naman ng 5-15 minuto ang serbisyo ng mga tren sa Kwun Tong line at Island line ngunit bumalik din ito sa normal makalipas ng ilang oras.
Dahil dito, ilang pasahero ang nagalit at nakipag-away sa mga raliyista,