-- Advertisements --
HONGKONG MTR STATIONS

Muling hinarang ng mga nagpo-protesta sa Hong Kong ang ilan sa mga kalsada ng lungsod bilang paggunita sa ika-12 linggo ng kanilang pakikipaglaban sa kanilang gobyerno.

Libo-libong katao ang muling nag-martsa habang isinisigaw ang kanilang ipinaglalaban na tuluyang pagbasura sa extradition bill at pagpapaliwanag ng Hong Kong government sa plano nitong paglalagay ng “smart lamp posts” sa mga kalsada.

Ilang nagpo-protesta rin ang nagalit nang malaman nila na pansamantala munang sinuspinde ang biyahe ng pitong subway stations dahil sa nagbabadyang kilos-protesta.

Ayon sa subway operator ng MTR, ginawa nila ang desisyong ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero maging ng kanilang mga empleyado.

Bago pa man ito, inanunsyo na ng MTR na pinagbigyan ang kanilang interim injunction na pigilan ang mga taong magdudulot ng panggugulo sa kahit saang istasyon.