-- Advertisements --
Hinikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Netflix at ilang mga streaming services na gayahin ang local rating system na ipinapatupad sa mga pelikula at TV show sa bansa.
Sinabi ni MTRCB chair Rachel Arenas, na hindi ito pag-regulate at sa halip ay ang co-regulation.
Mayroon kasing pitong rating category ang mga pelikula at TV shows sa bansa.
Paglilinaw pa ni Arenas na mismo ang Netflix at mga streaming services ang lumapit sa kanila at tinanong kung ano ang batas sa bansa na maaari nilang ipatupad.
Magugunitang umani ng batikos ang unang pahayag ng MTRCB na nais nilang higpitan o iregulate ang mga streaming services na siyang pumatok mula ng ipatupad ang lockdown.