-- Advertisements --

Hinikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang publiko na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) simula Disyembre 25.

Binigyang-diin ng board ang malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagdating sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.

Ang MMFF ngayong taon ay sumasalamin sa iba’t-ibang tema at narrative na pasok sa lahat ng klase ng manonood.

Pito rito ay swak para sa pamilyang Pilipino, habang ang nalalabi ay para sa mga may edad na.

Muling pinaalala ni Sotto-Antonio ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa responsableng panonood ng mga bata.