Ipinagtanggol ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto-Antonio ang ibinigay nitong X-rating sa documentary film na Alipato At Muog at ang comedy-drama film na Dear Satan.
Sinabi nito na ang pelikulang “Alipato at Muag” ay patungkol sa pagdukot at pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos noon pang 2007.
Paliwanag nito na sina MTRCB reviewers Fernando C. Prieto, Glenn B. Patricio, at Jose V L. Alberto ang nagbigay ng X-rating sa nasabing pelikula kung saan nag-uudyok ang nasabing pelikula na mabawas ang tiwala nila sa gobyerno.
Sa pelikulang “Dear Satan” ay sinabi ni Sotto na nainsulto ito bilang kristiyano.
Ipinapakita sa pelikula ang kabaitan ni Satanas matapos na aksidenteng naipadala ng bata ang sulat sa kaniya imbes na kay Santa.
Una ng sinabi ng producers ng pelikula na kanilang papalitan nila ang titulo dahil sa negatibong komento na kanilang nakukuha.