-- Advertisements --

Naglabas na ng film ratings ang Movie and Television Review and Classification Board para sa lahat ng 10 pelikulang Pilipno na kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.

Layunin nito na mabigyan ng gabay ang mga manonood sa pagpili ng mga pelikulang swak para iba’t-ibang age groups ngayong holiday season.

Ang naturang classification board ay naglabas ng tatlong kategorya para sa 10 film entries sa nasabing film festival, na kinabibilangan ng General Audience, Parental Guidance, at R-13 o restricted 13.

Ang kategoryang General Audience o rating G ay ang mga pelikulang swak para sa lahat.

Habang ang mga rated PG o Parental Guidance naman ay kinakailangang may patnubay at gabay ng magulang sa panonood ang mga batang may edad na 13 taong gulang.

Mga pelikulang naglalaman ng tema, lenggwahe, karahasa, nudity, kalaswaan, horro, at drugs naman ang ni-rate ng MTRCB na restricted 13 o mga palabas na hindi suitable para sa mga batang may edad 13 taong gulang pababa.

Samantala, sa isang pahayag naman ay Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Lala Sotto ang lahat na suportahan ang idaraos na 49th MMFF na nagpo-promote aniya sa “magic of cinema” at naghihikayat din ng family bonding, at cultural appreciation.

Ngayong araw ay nakatakdang isagawa ang MMFF Parade of Stars na inaasahan namang dadaan naman sa mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.