-- Advertisements --
May mahigpit na bilin Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga bus drivers at operators na babiyahe ngayong Semana Santa.
Ayon kay MTRCB chairperson Lala Sotto- Antonio, na tanging ang dapat na ipalabas sa mga bus ay rated “G” General Patronage at “PG” Parental Guidance.
Nais nilang matiyak na ang maipapalabas ay ligtas rin na mapanood ng mga bata.
Ang mga lalabag ay mahaharap sa mga karampatang kaparusahan.
Hinikayat din ng MTRCB na isumbong sa kanilang opisina ang mga bus operators na nagpapalabas na hindi naaayon sa kanilang itinakdang panuntunan.