-- Advertisements --
Inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pagsabihan ang Netflix na tanggaling ang isang episode ng political drama na “Pine Gap” na nagpapakita ng mapa ng iligal na nine-dash line ng China sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, ang nasabing episode ay isang paglabag sa soberenya ng bansa.
Dagdag pa ng DFA, naghain na sila ng reklamo sa MTRCB tungkol sa nasabing episode ng “Pine Gap” na ipinapalabas sa kilalang streaming service.
Noong Setyembre 28 ay naglabas na rin ang MTRCB ng desisyon sa nasabing usapin.