-- Advertisements --

Sinuspendi ng Movie and Television Review Classifications Board (MTRCB) ang noontime show na “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw.

Ang nasabing suspensiyon ay kasunod ng July 25 episode kung saan may pagkamalisya ang ipinakita ng ilang host sa ‘Isip Bata’ segment nila.

Bibigyan naman ang nasabing show ng 15 araw para iapela ang nasabing suspensiyon.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nasuspendi ang show dahil noong 2010 ay napatawan na sila ng 20-day preventive suspension.

Itong taon lamang ay nakatanggap na ang show ng dalawang warning na noong Enero 24 ng mabanggit ng mga host na sina Jhong Hilario at Vice Ganda ang salitang ‘Gspot’ at noong June 3 episode naman ng sambitin n Vhong Navarro ang salitang ‘tinggil’ ng hindi tama.