-- Advertisements --

Itinuturing ng health officials sa Colombia na ang bagong coronavirus variant na “Mu” ay nangungunang uri na ng virus sa nasabing bansa.

Sinabi ni Marcela Mercado ang health official ng bansa na nagdulot ng maraming pagkasawi ang nasabing variant ng virus noong Abril at Hunyo.

Dagdag pa nito na nakita ito sa 43 bansa at tinaguriang nakakahawa rin.

Tinawag naman ng World Health Organization na ‘variant of interest’ ang “Mu” variant o B.1.621.a.