-- Advertisements --
Sumabog ang tinaguriang pinakamalaking aktibong bulkan sa mundo na Muana Loa na matatagpuan sa Hawaii.
Ito ang unang pagkakataon na sumabog ang bulkan matapos ang halos 40 taon.
Bagamat hanggang paanan lamang ng bulkan ang lava ay pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na maging alerto dahil sa mga nahuhulog na mga mga abu.
Nangangamba rin ang US Geological Service (USGS) na magbabago ang nasabing sitwasyon anumang oras.
Matatagpuan ang bulkan sa sa Hawaii Volcanoes National Park.
May taas ito na 13,679 talampakan above sea leval at may lawak na 2,000 sq. miles.
Ayon sa USGS na mula pa noong 1843 ay 33 beses na itong sumabog.
Huling pagsabog ng bulkan ay noong 1984 na umabot ang lava sa limang milya ng Hilo ang mataong lugar sa isla.