-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isa na ngayong ghost barangay ang Brgy. Siana sa bayan ng Mainit, Surigao del Norte dahil sa hindi pa pag-uwi ng nagsilikas na mga residente matapos ang mudslides na sumira sa 25 kabahayan.

Tanging mga alagang hayop na lamang gaya ng mga aso at pusa ang naiwan sa labas ng kani-kanilang mga bahay kasama na ang mga sasakyan.

Pati na ang elementary school ng barangay ay wala na ring nag-aasikaso dahil sa kawalan ng tao.

Samantala, umaasa naman si Surigao del Norte Governor Lyndon Barbers na ire-relocate ng Grenstone Resources Corporation sa mas ligtas na lugar ang mga pamilyang kasama sa nawasak ang bahay dahil delikado pa ring tirhan ang paligid ng mining area ng naturang kompanya.