Hindi nakitaan ng ebidensya ni American attorney Robert Mueller si US President Donald Trump at mga ka-alyado nito patungkol sa alegasyong obstruction of justice laban sa presidente.
Ito ay patungkol sa di-umano’y pakikipag-sabwatan nila sa Russia noong 2016 elections.
Ayon kay Deputy Attorney general Rod Rosenstein, wala umanong sapat na ebidensya upang idiin si Trump.
Sa kabila nito, ay hindi pa rin daw mapapawalang-sala si Trump sa iba pang alegasyon laban sa kanya.
Wala namang plano ang kampo ni Mueller na magsagawa ng panibagong pagsasakdal kay Trump.
Nagbunyi naman dito si Trump at sinabi na hindi umano naging matagumpay ang balak ng mga ito na pababain siya sa kanyang pwesto.
“It was just announced there was no collusion with Russia there was no collusion with Russia, there was no obstruction, none whatsoever, It was a complete and total exoneration. It’s a shame our country had to go through this. To be honest, it’s a shame your President had to go through this.” ani Trump
Umapela naman dito ang ibang mambabatas at hiningi na isapubliko ang nasabing resulta. Nagbanta rin ang mga ito na bibigyan ng subpoena si Trump kung sakaling hindi sila kuntento sa ipapakita ng Justice Department.