Nanguna ang pangalang Muhammad sa mga pinakasikat na pangalan sa mga batang lalaki sa England at Wales.
Ayon sa United Kingdom Office for National Statistics (ONS) na ito ang unang pagkakataon na nanguna ang nasabing pangalan.
Ang pangalan ay nasa top-10 na ipinapangalan sa mga bagong silang na sanggol na bata sa England at Wales noon pang 2016.
Nahigitan nito ang pangalang Noah na siyang pangunahing pinagpipilian at naging pangalawang pinakasikat na pangalan noong 2022.
Base sa listahan ng UK ONS na mayroong 4,661 na batang lalaki ang may pangalan na Muhammad sa Wales at England.
Hindi pa kabilang dito ang inibang spelling gaya ng Mohameda.
Nanguna naman ang pangalang Olivia sa mga sanggol na babae na sinundan ng Amelia at Isla na parehas na nanguna mula pa noong 2022.