-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Health(DOH) ang tuluyang pagbabawal sa eating vlogs o mukbang videos.

Katwiran ni Health Secretary Ted Herbosa, ito ay isang ‘unhealthy practice’ dahil labis-labis ang pagkain ng mga tao para lamang makagawa ng mga content.

Aniya, hindi malusog na gawain ang overeating. Nagdudulot ito ng hypertension, heart condition, non-communicable diseases at maging ang heart attack.

Maaari aniyang magpataw ng local ban laban dito o hilingin sa Department of Information and Communications Technology(DICT) na ipagbawal ang mga site.

Inihalintulad din ng kalihim ang mukbang bilang food pornography kung saan ay mistulang isinusulong ang isang unhealthy behavior sa mga Pilipino.

Ang mukbang ay isang online eating show kung saan ang nagsisilbing host ay kumakain ng sobra-sobrang bulto ng pagkain habang nakikipag-usap sa mga nanonood.