-- Advertisements --
viber image 2023 09 27 17 20 36 411

Naglabas ng subpoena ang Senate games and amusement subcommittee laban kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Junnie Cua at General Manager Mel Robles dahil sa kanilang “paulit-ulit” na pagliban sa mga pagdinig na naglalayong imbestigahan ang integridad ng government-owned and controlled corporation (GOCC).

“Kayo sa PCSO parang sa tingin n’yo, you guys are very special. I don’t know kung ano ang ipinagmamalaki n’yo lalo na ang boss n’yo na si Robles,” pahayag ni Tulfo matapos maimpormahang hindi dumalo sa pagdinig si Robles.

Tatlong beses na itinakda ang pagdinig ng Committee on Games and Amusement at sa tuwing pinapaldahan ng imbitasyon si Robles at iba pang opisyal ng PCSO, magpapadala naman daw sila ng liham na nagsasaad na hindi sila makadadalo sa pagdinig.

Tinalakay ng Senate Committee on Games and Amusement ang Resolution No. 253 – Integrity and Trustworthiness of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Lotto Games at Resolution No. 466 – Prize Fund Tax Remitted by the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Noong magpa-reschedule kayo, tinanggap namin ang rescheduling and then only for us to receive a letter stating na hindi na naman kayo makakadalo. Ang yayabang n’yo sa PCSO! Ano bang pinagmamalaki n’yo!” galit na pahayag ni Tulfo, vice chairman ng komite.

Tanging sina Atty. Maria Katrina Nicole Contacto ng Office of the General Manager at John Derek Porciuncula, Manager Legal Department ng PCSO.

Himutok pa ni Tulfo, kung hindi pa umano siya nag-privilege speech at pina-subpoena ang mga opisyal ng PCSO, wala ni isa sa kanila ang dadalo sa pagdinig. Humingi naman ng paumanhin si Contacto sa hindi pagdalo ni Robles at iba pang opisyal ng PCSO.