Muling hiniling ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa Iranian government na palayain na ang 18 Filipino crew ng oil tanker na nabihag sa Gulf of Oman nitong nakaraang buwan.
Sinabi ni Manalo na ginawa niya ang kahilingan sa kanyang pakikipagpulong kay Mohammad Mokhber, 1st Vice President ng Iran, sa sideline ng Non-Aligned Movement Summit 2024 sa Uganda.
Aniya, nagkaroon sila ng palitan ng opinyon ukol sa kaligtasan at kapakanan ng mga marino sa Pilipinas.
Matatandaang binihag ng Iran noong Enero 11 ang oil tanker na St. Nikolas na may dalang 145,000 toneladang langis mula sa Iraq at patungo sa Turkey kasama na ang 18 Pinoy crew members.
Sinabi ng Iran na gumaganti ito sa umano’y pagnanakaw ng US ng langis nito mula sa parehong tanker – na noong panahong iyon ay tinawag na Suez Rajan.
Una na rito, kinondena rin ng Washington ang isang labag sa batas na pag-agaw at hiniling sa Iran na kaagad na palayain ang barko at ang mga tripulante nito.