KALIBO, Aklan—Hindi pa hinihikayat sa ngayon ng Department of Agriculture Western Visayas na muling mag-alaga ng baboy matapos ang pananalasa ng African Swine Fever o ASF virus sa rehiyon, sa halip ay magshift nalang muna sa ibang livelihood venture na magkakaroon ng tiyak na kita.
Ayon kay Regional Executive Director Dennis R. Arpia, sa kasalukuyan ay hindi pa ligtas ang mag-alaga ng baboy ngunit kung sakaling hindi na mapigilan ang mga hog raisers lalo na sa mga lugar na unti-unting nakakarekober ay kailangang may mahigpit na biosecurity measures.
Dagdag pa ni Arpia na handa ang Department of Agriculture na umalalay sa mga ito upang mabusisi ang lugar kung maaari nang muling mag-alaga ng baboy.
Samantala, inabisuhan ng opisyal ang mga hog raisers na nasa red zone area na huwag munang makipagsapalaran dahil hindi basta-basta ang virus na tumama sa rehiyon na naging dahilan ng pagkawala ng kabuhayan ng mga ito at pagkalugi ng mga negosyante.