-- Advertisements --

All systems go na ang muling pagbabalik ng Suroy-suroy Sugbo na magsisimula ngayong Biyernes, Nobyembre 18 hanggang sa Linggo, Nobyembre 20.

Nakipagpulong si Cebu Governor Gwen Garcia sa mga tourism officers at resort owners upang masiguro na handa na ang lahat.

Nasa 23 local government units (LGUs) ang sasali kung saan sasakupin ang mga destinasyon sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Cebu, ayon sa pahayag ng Provincial Tourism Office (PTO).

Itatampok ng Suroy-Suroy Sugbo ang mayamang kultura at kasaysayan ng Cebu na kinabibilangan ng mga heritage site tulad ng mga centuries-old na simbahan, mga lokal na delicacy at cultural presentation.

Itinaas pa sa P300,000 na subsidy para sa LGU kaya inaasahan na maganda ang performances, food, culture, at heritage ng bawat lgu.

Pinaaalahan pa ni Garcia ang resorts owners at mga tourism officers na ipakita ang magiliw na pakikitungo ng mga ito sa mga turistang dadalo.

Kinailangan din umanong magtulungan ang lahat upang magkaroon ng matagumpay na event.