-- Advertisements --

Pinahintulutan na ni Iranian President Hassan Rouhani na muling magbukas ang mga mosque sa ilang lugar ng bansa na wala pang naitatalang kaso ng coronavirus disease.

Kasabay ito nang unti-unting pagbaba ng kumpirmadong kaso ng sakit sa Iran simula noong nakaraang buwan.

Noong Sabado ay nakapagtala ang bansa ng panibagong 800 cases, ito ay higit na mas mababa kaysa sa 3,000 kaso kada araw.

Labis naman ang pangamba ng mga mamamayan sa Iran dahil sa naturang desisyon ni Rouhani. Posible raw kasing magkaroon ng ikalawang wave ng virus sa oras na ipatupad ito.

Sa kabila nito ay hinihikayat ng Iranian government ang lahat ng mananampalatay na panatilihin ang social distancing lalo na sa pagdadasal sa loob ng mosque.

Sa ngayon ay mayroon ng 97,000 kumpirmadong kaso ng coronavirus sa Iran at 6,000 katao na ang namamatay.