-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Inaasahan ang libo-libong tourist arrival sa isla ng Boracay ngayong weekend.

Sa katunayan ayon kay PLt.Col. Dainis Amuguis, chief of police ng Malay Municipal Police Station na halos 6,000 ang namonitor na daily tourist arrival sa nakaraang All Saints at All Souls Day.

Nanguna sa bilang ng mga turista ang mga dayuhan mula sa bansang South Korea, USA, Chinese at Taiwan.

Sa kasalukuyan ay nanatiling nakaalerto ang pwersa ng pulisya para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bakasyunista.

Samantala, naitala ang kabuuang 139,008 tourist arrival sa buwan ng Oktobre sa nasabing isla.

Batay sa datos ng Malay Municipal Tourism Office, 107,961 dito ang mga domestic tourist; 1,230 ang mga overseas Filipinos habang 29,817 naman ang mga foreign tourist.

Nanatiling isa ang isla ng Boracay sa mga target destination na gustong puntahan ng mga turista.