-- Advertisements --
Magreresulta sa mas maraming magugutom at mawawalan ng trabaho sa Metro Manila kapag mas hinigpitan ng gobyerno quarantine measures.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua, na kapag bumalik sa mas mahigpit na quarantine protocol ang Metro Manila ay madadagdagan ng nasa 58,000 na katao sa kabuuang 3.2 milyon na nagugutom na pamilya at 128,000 na nawalan ng trabaho.
Kaya imbes na bumalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ay dapat manatili na lamang sa General Community Quarantine na lamang ang Metro Manila.
Magugunitang nagpatupad ang gobyerno ng paghihigpit ng hanggang April 4 sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.