-- Advertisements --
Boracay 2
Boracay/ FB image

‘KALIBO, Aklan – Ikinatuwa ng Boracay Inter Agency Task Force (BIATF) ang muling pagkilala sa Boracay bilang “best island” sa buong Asia ng isang international travel magazine.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Natividad Bernardino, ang pagkilala ng Conde Nast Traveler sa Boracay ay itinuturing nilang recognition sa ginawang rehabilitasyon ng gobyerno at sa kooperasyon naman ng mga stakeholders at mga residente.

Nabatid na nanguna ang isla sa 2019 Readers’ Choice Awards na nilahukan ng mahigit sa 600,000 voters dahil sa maputi at mala-polbo nitong buhangin.

Gayundin sa malakristal at asul na tubig-dagat na patok sa mahihilig magtampisaw at magsagawa ng snorkeling.

Samantala, inaasahang matatapos ang trabaho ng task force sa May 2020 para sa dalawang taon na itinakda sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.