Agad na pinakalma ng World Health Organization (WHO) ang South Korea matapos na kabahan dahil sa muli na namang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Una rito sa nakalipas lamang na isang araw umabot sa 62 ang mga bagong kaso kung saan 22 sa mga ito ay mula sa mga overseas workers na dumating sa kanilang bansa.
Na-detect ng Korea Centers for Disease Control and Prevention ang mga domestic cases sa Seoul na malaki ang popolasyon ng mga tao.
Sa loob ng isang buwan karamihan naman ng mga nahawa ay mula sa religous gathering, mga night clubs at warehouse workers.
Noong nakaraang linggo lamang nasa 138 new cases ang nabilang na clusters sa Bucheon.
Ang night club naman sa Seoul ay nakapagtala ng 277 new cases.
Sa kabila nito pilit na pinapayapa ng WHO ang SoKor na hindi naman ito maituturing na second wave na mga coronavirus.
Kung maalala pinuri ang South Korea sa matagumpay nilang hakbang upang makontrol ang pagkalat ng deadly virus.
Sa ngayon ang South Korea ay meron ng 12,757 COVID cases habang ang death toll ay meron pa lamang 282.
Hindi katulad sa Amerika na ang mga namatay ay umakyat na ang bilang sa 128,437.