CENTRAL MINDANAO- Muling magpapatuloy ang Road Clearing Operation ngayong November 2020 na matatandaang nagsimula na noon pang February 2020.
Kasama sa tatangalin ay ang mga istruktura, materyales at mga aktibidades na nakakaharang sa daloy ng trapiko sa daan ng bayan ng Kabacan Cotabato.
Kugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Kabacan, napag-usapan na sisimulang muli ang road clearing operation sa Secondary Roads ng bayan at susunod naman ang National Highway na sakop ng bayan.
Pinaalalahanan naman ang publiko na magkusa sa pag-alis ng mga gamit o istraktura na nakaharang sa daan.
Batay sa DILG Terms and and Terminologies, ang mga permanente o temporaryong bagay, sasakyan, o ano pang nakaharang sa daan ay matatawag na obstruction.
Paglilinaw ng LGU, sa oras na simulan ngayong November 23, 2020 ang operasyon at may mga gamit na hindi pa nakuha o tinanggal, ang LGU na ang magkukumpiska at hindi na ito maaaring makuha ulit ng may-ari.
Samantala, hinikayat naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang publiko na sumunod sa ipinapairal na utos ng DILG.