DAVAO CITY – Hindi isinantabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang posibilidad na muling isasailalim ang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ) matapos ang rekomendasyon ng health cluster ng local government Task Force COVID-19 dahil na tumataas na kaso ng mga nahawa ng virus.
Ayon kay Mayor Inday na nakipag-ugnayan na siya sa health cluster na i-review ang kanilang criteria sa nirekomendang ECQ, gamit ang parehong parametes mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Pag-uusapan lamang umano ng lokal na pamahalaan ang nasabing rekomendasyon kung lalabas sa isasagawang review na kailangan isailalim ang lungsod sa lockdown para lamang mapigilan ang transmission ng infections.
Kung maalala, nasa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang siyudad sa kasalukuyan ngunit kung patuloy na tataas ang kaso ng Covid-19 at bagong variant na Delta, maaari umanong i-reclassify ito sa ECQ.