Iminungkahi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagpapatupad ng kongkretong mga aksyon kaugnay sa isyu ng internet-based casinos, partikular sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Sa gitna na rin ito ng panawagan ng ilang mga mambabatas na ipagbawal na ang pag-operate ng mga POGO dahil sa pagkakakaladkad nito sa iba’t ibang mga kontrobersiya.
Sa isinagawang pag-aaral ng AMLC, lumalabas na wala umano sa records ng PAGCOR ang mga address ng tanggapan ng mga POGOs, local gaming agents, at kanilang mga authorized representatives.
Maliban dito, natuklasan din na walang local agents ang mga ito sa Pilipinas, lalo pa’t nakasaad sa batas na kailangan ng isang foreign-based operator na magtalaga ng kakatawan sa kanila sa bansa.
Hindi rin umano matunton at ma-contact ng AMLC ang compliance officer ng mga POGOs, at wala rin daw anti-money laundering/counter-terrorism financing (AML/CTF) compliance units ang mga ito.
Kaya naman, inihayag ng ahensya na dapat ay pag-aralang muli ng gobyerno ang pangangasiwa sa mga POGOs at mga service providers.
“Due to the gaps in the sector, the study recommends the following actions to be accomplished with a timeframe, which are now being implemented by the AMLC, to wit:
- Increase the level of AML/CTF effectiveness of compliance and supervision through training and workshops;
- Revisit the supervision of POGOs and SPs, conduct a regulatory assessment, and enforce actions;
- Reevaluate the licenses of POGOs and the certificates of authority/operation issued to SPs; and recommend the cancellation of licenses of POGOs/certificates of accreditation of SPs with unfavorable records;
- Execute memoranda of agreements between AGAs and AMLC, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), law enforcement agencies, and other relevant agencies to identify and curb illegally operating casinos;
- Issue guidance from supervisors, that is, the BSP, Securities and Exchange Commission, Insurance Commission, and AMLC, to their respective covered persons to conduct enhanced due diligence on Internet-based casinos and SPs; and
- Disseminate the study to supervising agencies, AGAs, and law enforcement agencies.”
Kaugnay nito, ibinulgar ni Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, na tinangka siyang suhulan ng P20-milyon kapalit ng pagtigil ng imbestigasyon sa pagpasok ng malalaking foreign currency sa bansa.
Ayon kay Gordon, may common friend daw ito at ang pamilya Rodriguez na siyang nag-alok sa kanya nitong Lunes ng gabi.
Isa pang emisaryo ang nag-alok na magdo-donate ng P5-milyon sa Philippine Red Cross.
“Ang sabi, ‘Puwede ba sabihin mo wag na kami tawagin at may magandang mangyayari,'” wika ni Gordon. “Hindi ako nagyayabang but I am chagrined. Ang lalakas ng loob nitong mga ito. Akala nila lahat kaya nilang bilhin.”
Ang pamilya Rodriguez, na nadidiin sa pagpasok ng milyun-milyong pera sa bansa, ay hindi nakadalo sa Senate hearing noong Lunes dahil sa kawalan umano ng preparasyon.