-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Inamin ng Department of Health (DOH) Bicol mayroon pa ring tyansang muling dumami ang kaso ng coronavirus sa rehiyon.

Inihayag ni DOH CHD Bicol Regional Director Ernie Vera, na isang halimbawa nito ay ang nangyari sa China na nagkaroon ulit ng COVID-19 surge.

Dahil dito ay muling hiningi ng ahensya ang kooperasyon ng lahat ng residente upang maiwasan na ang ganoon senaryo.

Ayon kay Vera, tanging pag-iingat, pagsunod sa health protocols, at pagpapabakuna ang magagamit na panglaban sa coronavirus disease.

Sinabi pa nito na nagpapatuloy ang istratehiya ng mga rural health units upang madagdagan ang vaccination rae sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila nito ay sinabi rin ni Vera na maliit ang vaccination turnout sa Bicol na nasa 65,000 lamang o 15% ng kabuuang bilang ng eligible papolation.