Inihayag ng Bureau of Customs na target nilang muling itatag ang Philippine Customs Laboratory na layuning muling mapalakas ang pagsisikap ng kanilang ahensya sa paglaban sa mga ilegal smuggling sa bansa at upang madagdagan ang revenue collection ng kanilang ahensya.
Ang naturang custom laboratory ay makatutulong umano sa pagtukoy ng tamang klasipikasyon ng taripa at mga imposable duties pagdating sa pag-iimport.
Bukod dito, makatutulong rin ang naturang laboratory upang epektibong mapigilan ang anumang pagtatangka ng technical smuggling.
Sa isang pahayag, sinabi ni Custom Commissioner Bienvenido Rubio na kabilang sa mga hamon sa pag-set up ng PCL ang kakulangan ng mga pasilidad at hindi na ginagamit na kagamitan sa laboratoryo.
Gayunpaman, siniguro ni Commissioner Bienvenido Rubio na nanatiling nakatuon ang kanilang ahensya sa naturang plano.