Ibinabala ng National Privacy Commission (NPC) na maaaring maharap sa mga parusa gaya ng multa at pagkakulong ang mga masasangkot sa pagbebenta ng rehistradong SIM cards.
Ayon sa ahensiya naalarma ito sa kamakailang mga insidente na kinasasangkutan ng partikular na indibidwal na umaaktong mga ahente ng at hindi kaduda-dudang mga indibdiwal na nag-aalok ng rehistradong SIM cards kapalit ng bayad na nagkakahalaga ng P1,000.
Binigyang diin ng NPC na hindi lamang ito paglabag sa SIM Registration Act subalit naglalagay din ito sa data ng nakapangalang indibidwal sa rehistradong SIM card sa panganib at legal repercussions kapag ginamit sa iligal na mga aktibidad.
Sa ilalim ng Section 11(g) ng SIM Registration ACT, ang mga indibidwal na mapapatunayang guilty sa pagbebenta o paglilipat ng rehitradong SIM card nang hindi tumatalima sa mandatoryong SIM card registration sa ilalim ng Section 6 ng parehong batas ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon o multa na P100,000 hanggang P300, 000 o pareho.
Kaugnay nito, nag-isyu ang NPC ng mga paraan kung paano mapoprotektahan ng SIM card user ang kanilang mga data, una magkaroon ng kaalaman kaugnay sa legal at privacy implications ng pagrehistro at pagbebenta ng SIM cards. Ikalawa, maging vigilante o maingat sa mga nag-aalok para bilhin ang inyong registered sim card. Ikatlo, huwag magatubiling ireport ang mga kahina-hinalang aktibidad kapag inalok na ibenta ang inyong sim sa telco service provider.
Ikaapat, ireport ang anumang pagbabago ng impormasyon ng subscriber sa telcos upang ma-update ang kanilang database. Ikalima, bago maglipat ng ownership ng SIM card, tiyakin na nasunod ang kaukulang identity verification procedures at panghuli, kapag nagpasyang ibenta o ilipat ang registered sim card, dapat na tumalima sa legal requirements na ipaalam ang naturang transaction na minamandato sa ilalim ng SIM Registration Act.