-- Advertisements --
image 70

Tinalakay sa pagpupulong ng Metro Manila Council ang panukala ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na magpataw ng mas mahigpit na parusa para sa mga jaywaliking violators.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes, sinuspendi muna ang pagpasa ng naturang panukala dahil nais anilang magsagawa muna ng mga konsultasyon bago higpitan ang penalty.

Sa kasalukuyan, ang multa para sa jaywalking sa rehiyon ay nasa P500. Sinabi naman ni MMDA chair Artes na ikinokonsidera nilang taasan ito sa P1,000 na may kasamang seminar.

Una rito, noong Setyembre, ipinanukala ni Sec. Abalos ang pagpapataw ng mas mahigpit na parusa para sa jaywalking sa EDSA at C-5 dahil sa naitatalang aksidente.