-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Tataas na ang multa sa sinumang lalabag sa mga batas trapiko sa City of Pines.

Sa panayam ng Bombo Radyo-Baguio kay Councilor Benny Bomogao, na ito ay matapos maamyendahan ang Comprehensive Traffic and Transportation Ordinance ng lungsod.

Sinabi niya na magiging P500 na multa sa mga obstruction at illegal parking mula sa dating P150 batay sa bagong ordinansa.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng bagong ordinansa ay mababawasan ang bilang ng mga traffic violations sa Baguio City.

Mag-uumpisa ang implementasyon ng bagong ordinansa kapag natapos na ang publikasyon nito sa dyaryo bilang pagtupad sa Local Government Code ng Baguio City.