-- Advertisements --

Wala nang patid ang mga ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa nalalapit na Traslasyon ng Poong Hesus Nazareno ngayong taon 2025.

Layon ng mga hakbang na ito na matiyak ang seguridad ng mga deboto at kaayusan ng buong traslasyon.

Ayon sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority, gumagana na ngayon ang Multi-Agency Coordinating Center na nakalagak sa Basilika Minor at National Shrine o simbahan ng Quiapo.

Sa loob ng naturang Center ay mamomonitor in real time ang mga kaganapan sa kabuuan ng event sa pamamagitan ng mga naka install na CCTV.

Matatagpuan rin sa loob nito ang mga Communication Equipment na gagamitin upang maging maayos ang kordinasyon ng pamahalaan.

Dagdag pa ng MMDA na kabilang sa mga magbibigay rin ng seguridad ay ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard at iba pang pangunahing ahensya ng gobyerno.