-- Advertisements --

ILOILO CITY – Muli na namang napasama ang Multi-awarded Cebuano theater designer sa mga nominado para sa 74th Annual Tony Awards.

Ito ay si Clint Ramos, tubong Cebu, graduate ng kursong Theater Arts sa University of the Philippines Diliman at ngayon ay nakabase na sa Estados Unidos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Jhett Tolentino na isa ring Pinoy na Grammy at Tony Awardee, sinabi nito na si Ramos ay nominado sa Best Costume Design in a Play para sa The Rose Tattoo at Best Scenic Design in a Play para sa Slave Play.

Ayon kay Tolentino, kapag nanalo si Ramos, ito na ang kanyang ikalawang Tony Award.

Noong 2016 nanalo rin si Ramos ng Tony Award for Best Costume Design sa Broadway production na Eclipsed.

Napag-alaman na si Ramos, Tolentino at Lea Salonga lang ang tatlo mga pinoy na nanalo ng Tony Award.

Sa ngayon, wala pang pinal na petsa ang ceremony ng 2020 Tony Awards.