-- Advertisements --

ILOILO CITY – Depresyon ang tinitingnang rason sa pagpapakamatay ng Architecture student ng University of San Agustin sa Iloilo City matapos itong nagbigti gamit ang nylon cord sa double deck na kama sa kanyang kuwarto.

Napag-alaman na limang beses nang nagtangkang mag suicide ang biktima kung saan una nyang nilaslas ang kanyang palad, uminom ng 20 tabs ng gamot, tinangka nya ding magbigti gamit ang sinturon, uminom ng muriatic acid at ang pinaka huli ay ang pagbigti nito gamit ang nylon cord.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Alyas Rebecca, kasama ng biktima sa boarding house, sinabi nito na matagal nang iniinda ng biktima ang kanyang depresyon at mga problema.

Ayon kay Rebecca, matalino at mabuting bata ang pagkakakilala niya sa biktima kaya hindi niya lubos ma isip na nagawa nitong tapusin ang kanyang buhay.

Labis naman ang pagtangis ng pamilya dahil marami pa sana silang pangarap para sa biktima na isang valedictorian at multi awarded na estudyante.

Nanawagan naman si Rebecca sa magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak na nakikitaan ng mga palatandaan ng depresyon.