-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Aabot sa 15,000 mangagagawa ang kailangan ng Chinese Investors sa itatayo na international airport at seaport sa Cotabato City.

Ito ang kinomperma ni Secretary to the Mayor Anecito Rasalan.

Dumating na sa siyudad ang mga kinatawan ng China Engineering Construction (Shenzhen) Company kung saan nag-umpisa na silang magsagawa ng survey at mayroon na rin silang project design.

Nais ng Shenzhen Company na ma-comply na lahat ang iba’t-ibang requirements ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa unang bahagi ng taong 2020 sisimulan ang konstruksyon ng international airport.

Dagdag ni Rasalan habang hindi pa tapos ang phase 1 ng seaport subalit habang ginagawa ito ay tatrabahuin na ng Shenzhen Company ang mga rekisitong kinakailangan kasama na dito ang pagprisenta ng kanilang proposal upang masimulan na rin ang phase 2 hanggang phase 3 o ang final phase ng pantalan.

Tatlong mga barangay ang sasakupin ng itatayong international airport sa Cotabato City itoy bahagi ng Brgy Tamontaka 3,4 at Tamontaka 5.

Aabot ng 3,000 ektarya ang sasakupin ng International Airport kasama na mga hotels, restaurants at iba pa.

Sinabi ni Rasalan na malaking tulong ito sa lungsod ng Cotabato at mga karatig probinsya lalo na sa tatlong Barangay sa usapin ng ekonomiya.