-- Advertisements --

Inamin ng multi-platinum American singer na si Lauv na may special connection siya sa kaniyang mga Filipino fans.

Sa pahayag ni Lauv sa harap ng Southeast Asian media, inalala nito ang kaniyang mga special moments sa Pilipinas.

Matatandaang naganap noong 2019 sa Manila ang first arena show ng sikat na singer-songwriter.

“I have a very special and unique connection with my fans in the Philippines. I’ve had some of my biggest moments [in the country], just playing my first big shows at the malls. It’s just a very special place in my heart and I really can’t wait to come back and to keep building on it,” pag-amin ni Lauv.

Sinagot rin ng 27-year-old music artist ang tanong ng Star FM kung ano ba ang kaniyang biggest music goals.

“I wanna have the biggest songs in the world and I wanna have the biggest album in the world at some point in my career. I wanna do amazing things with that and share it with people.”

Samantala, inilabas na nga ni Lauv noong nakaraang linggo ang kaniyang latest single na “All 4 Nothing (I’m So in Love)”. Inaabangan na rin ang kaniyang upcoming second full-length album na ilalabas ngayong taon.

Ibinahagi rin nito ang kaniyang mensahe para sa kaniyang fans sa rehiyon.

“Thank you so much for your support. To all my fans in Southeast Asia, I can’t wait to come back everywhere on tour. I love you guys and I appreciate you, and see you soon.”

Nakilala nga si Lauv dahil sa kaniyang mga kantang “I Like Me Better”, “Paris in the Rain”, at “Never Not”.