Naging matagumpay ang sanib-pwersa United States Coast Guard (USCG) Southeast Asia Training Team (SEATT) at Philippine Coast Guard (PCG) na isang multinational Boarding Officer Course sa Davao City.
Layunin nito na palakasin ang kakayahan at kooperasyon ng mga ahensya ng pagpapatupad ng maritime laws sa rehiyon.
Pinondohan ito ng U.S. Department of State’s Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), kung saan tinuruan ng mga U.S.-trained instructors at mga guide mula sa USCG at Vietnam Customs ang mga kalahok sa ligtas na pagsasagawa ng vessel boardings sa dagat.
Aabot sa 32 kalahok mula sa PCG, Philippine National Police-Maritime Group, Vietnam Coast Guard, Vietnam Customs Anti-Smuggling and Investigations Department, Vietnam Department of Fisheries Surveillance, at Indonesia Coast Guard ang dumalo.
Ang Australian Border Force ay nag-obserba din sa unang linggo ng mga aktibidad.
Ayon kay USCG Team Lead Lieutenant Dana Schmitt, nakakatuwang makita ang propesyonal na paglago at kumpiyansa ng mga instruktur at mga kalahok.
Ayon naman kay Commodore Rejard V. Marfe ng Coast Guard District Southeastern Mindanao, mahalaga ang U.S. expertise, resources, at guidance upang matiyak na mas mahusay silang nakahanda sa mga banta sa karagatan.
Ito ang unang training event sa Mindanao at unang Philippine-hosted SEATT course na may Vietnamese na instrutor.
Magpapatuloy ang SEATT program na magdaos ng mga training events sa Pilipinas sa 2025.