-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Nabisto ng Commission on Election ang daan-daang libong botante na mayroong Multiple Registration.

Batay sa datos, tinatayang nasa 500,000 ang mga botanteng aalisin sa listahan ng mga registered voters ng Commission on Election sa buong bansa.

Ang kabuuang bilang na ito ay para sa Barangay at SK Election.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco, nagpapatuloy ang isinasagawang nilang internal cleansing sa mga listahan ng mga registered voters at mahigpit nila itong sinasala.

Nagbabala naman ang opisyal sa mga kasong posibleng kaharapin ng mapapatunayang sinadya ang pagdoble ng pagpaparehistro na kung saan maaari silang makulong ng anim na taon at babawalan na silang makakuha ng anumang posisyon sa pamahalaan at mawalan ng karapatang bumoto.