-- Advertisements --

Nagpatupad ng mandatory coronavirus tests sa mga matataong lugar ang lungsod ng Mumbai sa India.

Ayon sa local government ng lungsod na isasagawa ang rapid test sa mga iba’t-ibang lugar gaya ng shopping centers at mga istasyon ng mga tren.

Mapapatawan naman ng karampatang parusa ang mga tatangi sa nasabing pagpapabakuna.

Mayroon kasing 40,953 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang pinakamalaking bilang pagkatapos ng mahigit na apat na buwan.

Umaabot na rin sa 159,000 na ang nasawi sa India matapos dapuan ng virus.