-- Advertisements --

Nagulat pa rin hanggang ngayon ang mga basketball fans sa naganap na pinakamalaking player trades ng Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks.

Hindi kasi makapaniwala ang Mavs fans na pakakawalan nila ang star guard na si Luka Doncic kapalit si Lakers big man Anthony Davis.

Itinuturing ng Lakers fans na isang matinding kaparehas na ng star player na si LeBron James ang 25-anyos at five-time-All Star Slovenian player.

Sa panig naman ng Dallas, sinabi ng kanilang general manager na si Nico Harrison na ang pagkakakuha nila kay Davis ay mapapalakas pa lalo ang kanilang depensa.

Naniniwala kasi ito na ang kapag magkampeon ka ay dapat matinding depensa ang ipairal.

Dahil sa nasabing deal ay makukuha rin ng Mavs ang guard na si Max Christie at ang 2029 first-round draft pick.

Habang ang Lakers ay makukuha rin nila si Maxi Kleber at Markieff Morris habang ang Utah Jazz na nasa ikatlong koponan na bahagi ng deal ay makukuha si Jalen Hood-Schifino.

Maging ang buong Lakers team ay nagulat sa nasabing trade kung saan sinabi rin ni James na wala siyang idea na magkakatoto ang trade.

Target din ng Lakers na makuha si Philadelphia 76ers veteran wing na si Caleb Martin bago matapos ang trade deal sa NBA sa Pebrero 6.

Ang 29-anyosna si Martin ay mayroong 9.1 points, 4.4 rebounds, 2.2 assists na average kada laro.