-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng pamahalaan na magpatupad ng tinatawag na daylight saving time sa harap ng matinding lagay ng trapiko sa ilalim ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR).

Isa ang daylight saving time sa mga rekomendasyon na natanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Layon ng sistemang ito na gawing mas maaga ang pasok at transaksyon sa gobyerno mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 na ng hapon.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, malaking bagay ang isang oras na mas maagang pasok sa gobyerno kung saan hindi lamang sa mga pumapasok sa trabaho ang magbebenepisyo rito kundi pa rin na rin ang mga may transaksyon sa pamahalaan.

Sinabi ni Artes na pag-aaralan nila ang rekomendasyon na ito.

Base sa datos ng MMDA, ang daily volume o dami ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA bago magkaroon ng pandemya ay 405,000.

Habang bago ang ilang serye ng bigtime oil price hikes, nasa 390,000 na ang bilang na ito at bumaba pa sa 370,000 noong kasagsagan ng price hikes.