-- Advertisements --
Pag-aaralan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na huwag nang palawigin pa ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nakadepende naman umano ang extension ng Batas Militar sa mungkahi ng mga nasa ground.
Una rito, sinabi ni Lorenzana na dapat na lamang umanong paigtingin ang seguridad sa rehiyon lalo na kung maipapasa ang Human Security Act.
Giit ng kalihim, masyado na raw mahaba ang Martial Law sa Mindanao na idineklara pa ni Pangulong Duterte noong Mayo 2017 makaraang lusubin ng ISIS-Maute Group ang lungsod ng Marawi.
Mapapaso ang batas militar sa rehiyon sa Disyembre 31.