Imbis na magkaroon ng fare discount ay pinag aaralan ng Department of Transportation ang pagbibigay ng subsidiya sa mga piling Public Utility Vehicle routes.
Ito umano ay upang matugunan ang hinaing ng ilang jeepney operators dahil anila, malaki ang porsyento ng kanilang pagkalugi kung ipatutupad pa ang fare discount.
Kung matatandaan naka tanggap ng pondo ang Department of Transportation ng halos 1.2 billion pesos mula sa Department of Budget and Management upang gamitin sa pagpapatuloy ng operasyon ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.
Ngunit ang budget na ito ay pinagpaplanohan ng ahensya na gamitin upang matulongan ang nahihirapang public utility vehicle operators.
Nasa piso o dalawang piso kada pasaherong naisasakay ang nais na ibigay na ayuda ng ahensya sa mga driver.
Samantala, ayon pa kay Transportation Secretary Bautista, binigyan nila ng sapat na panahon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board hanggang May o June upang maipresenta ang proposed public utility vehicle routes na magbebenipisyo sa nasabing planong subsidiya.