-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nais ng kapayapaan at maiwasan ang karahasan sa nalalapit na halalan kaya nagsuko ng apat na matataas na uri ng armas sa pulisya ang isang opisyal ng bayan sa Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na nagtungo sa himpilan ng pulisya si Sultan Sabarongis Maguindanao municipal Councilor Kedtayak Tunda at isinuko ang apat na hindi lisensyadong mga baril.

Ang mga armas ay kinabibilangan ng isang home-made caliber 50 barret rifle, isang homemade shotgun, isang rocket propelled grenade (RPG),homemade M-79 grenade launcher at mga bala.

Sinabi ni Tunda na ang mga loose firearms ay galing sa mga sibilyan sa Barangay Barurao sa bayan ng Sultan Sabarongis.

Pinuri naman ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Brigadier General Eden Ugale si Councilor Tunda at Sultan Sabarongis PNP sa pinalakas na kampanya kontra loose firearms.